Apr 21, 2008
Anong Klaseng Problema To?
Isang napakapayapang linggo. Salamat sa Panginoon dahil dito! pero sa totoo lang marami talagang PROBLEMA pero dahil sa Panginoon, at alam kong Kristiano ako, di ko to masyadong iniisip o binibigyang pansin, konti lang! hehehe...

Lalo pa nung nalaman kong wag talaga akong mamrublema sa mga problema kasi short term lang naman un at syempre di long term! Syempre nga eh! Ewan ko nga kung bakit umpisa pa lang di na ako masyadong problemado kahit na matindi ang PROBLEMA! napag isip isip ko na di pala maganda yon, kasi Pride narin minsan ang nangingibabaw na ayaw mo nang isolve o pababayaan mo nalang, pero ang Panginoon talagang napakabuti di ka nya hahayaan. iiwan sa gitna ng iyong kalungkutan. Ang Panginoon parin talaga ang gagawa ng paraan. Maraming salamat sa Panginoon!
Posted at 02:48 am by bambooz
Permalink
Apr 13, 2008
Nakakainis, kung bakit nararamdaman pa o kung bakit kaylangan pang maramdaman ng isang Kristiano ang mapagod. Mapagod sa mga bagay na masarap gawin. hindi ko alam kung bakit?! kung bakit ayaw ng ibalik ng bawat Kristiano ang sarap ng pakiramdam ng una nilang nakilala ang Panginoon, yung mga tipong kahit santo papa pag kinausap mo, ma boborn again dahil sa nag aalab na pananampalataya mo! Ang sarap ng pakiramdam, lalo pag may nagagawa kang bagay na kalugod lugod sa ating Panginoon! pero ang tanong, BAKIT GANON?! bakit hindi na ganon kainit ang pananampalataya mo Kristiano? Kaylangan pabang masaktan ng paulit-ulit? sana wag ng hayaan na kainin ng sistema! Sa halip ulit-ulitin ang bawat natututunan, ulit-ulitin ang mga tamang nalalaman at ulit-uliting isipin na mahal ka ng Panginoon. Pag-naisip mo kung gano ka nya talaga kamahal, ewan ko lang sayo kung mag-sawa kapang gawing pasayahin sya sa pamamagitan ng pag mamahal mo rin sa Kanya!!!!!! -wakas
Posted at 09:10 am by bambooz
Permalink
Mar 31, 2008
pansin ko lang, kasi marami sa konting tao diti sa mundo ay ligaw, nangangamba, natatakot na baka mawala sa kanilka ang mga bagay na sa tingin nila ay nakakapag paligaya sa kanila. Oo siguro nga nakakapag bigay iyo ng kasiyahan pero ang hindi nila alam na ito ay panandalian lamang. Subukan mong hanapin ang walang hanggang kasiyahan na panglangit, na si Kristo lamang ang makapagbibigay. subukan mong alamin at gawin ang dapat mo talagang iprayoridad sa buhay mo. pag ginawa mo to hinding hindi ka mag sisisi. Mabuhay ka para sa Panginoon. Mabuhay tayong lahat!
Posted at 03:41 am by bambooz
Permalink
Mar 1, 2008
sa totoo di ko maalala ang devotion ko. ok lang, kasi ang ilalagay ko dito di rin naman masyadong related don. una sa lahat thanks ng marami kay Lord kasi sadyang napakabait parin nya di sya nagbabago. Sa totoo lang sobrang dami kong iniisip na problema na madalas nababadtrip ako sa sobrang ayokong dahilan. at nag sosorry ako kay Lord dahil don. talagang tinetest ako ng devil pero salamat sa Panginoon na di nya hinahayaan na mapahamak ako, palagi nyang inereremind sakin na di nya ko papabayaan na napakabuti nyang Dios. pero sorry talaga Lord kasi minsan nagpapaapekto ako sa mga hamon ng devil. Sorry Lord. pinapanalangin ko na linisin mo ang puso ko at iiwas mo ako sa lahat ng ano mang gawa ng kaaway, at kung di man maiwasan pinapanalangin ko na bigyan mo ako ng lakas at katatagan para mapagtagumpayan ko ang ano mang klaseng gawa ng kaaway sakin. pero Lord alam mo ang laman ng puso ko, ikaw ang manghusga at tumulong sakin na mangyari ang gusto mong plano sa buhay ko. Lord gusto kong magpagamit at maging isang kagamit gamit na alagad mo hanggang wakas. dito nalang muna bye. mahal kita. -Bamboo
Posted at 02:58 am by bambooz
Feb 8, 2008
pasensya na kung ngayon lang ako nakagawa.... para sayo to Lord... thanks po ng marami sa mga pagkakataon na maganda o di maganda... basta still pupurihin kita dahil sa mga mahal ko sa buhay at sa mga kapatid ko na patuloy na nakakasama ko sa pagpupuri sayo... salamat sa mga pagkakataon para muling iparemind sakin ni God ang trabaho ko, kahit na alam ko yon. pero kasi ang gusto ng Panginoon yung the best, yung talagang karapat dapat para sa kanya. na mahahin natin yung mga taong malapit sa mga bawat buhay natin, sa mga katulad ng pamumuhay natin dati. mahalin sila sa pamamagitan ng pagpupursiging madala sila sa piling ng ama nating banal. Amen
Posted at 05:46 pm by bambooz
Permalink
Feb 4, 2008
test mic
Posted at 04:52 am by bambooz
Permalink